
Kakulangan umano sa construction equipment ang dahilan kung bakit hindi naisagawa nang masusi ang inspeksyon sa kontrobersyal na P289-milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ito ang sinabi ng abogado ng DPWH project engineer na si Felisardo Casuno sa Sandiganbayan Sixth Division.
Ayon sa depensa, magpapatotoo sa Setyembre 29 ang DPWH Region 4B official na si Jonathan Araullo tungkol sa kakulangan ng equipment para matukoy ang lalim ng mga steel sheet pile ng proyekto.
Samantala, nakatakdang humarap sa korte si Casuno sa Oktubre 1.
Sa naunang inspeksyon, lumitaw umanong nasa tatlong metro lamang ang kabuuang sukat ng ilang sheet pile, kumpara sa 12 metrong requirement sa project design.
-- ADVERTISEMENT --










