
Nasungkit ni Jeus Gabriel Derick Yape ang ikaapat na gold medal ng Pilipinas sa 2026 Asian Games matapos pagharian ang mixed individual virtual taekwondo event sa Toyohashi Gymnasium.
Tinalo ni Yape sa final ang Vietnamese opponent na si Chau Ngoc Tuyet Sang, 2-0, matapos dominahin ang dalawang rounds sa scores na 500-0 at 620-0.
Bago makarating sa final, dinaig din ng Pinoy jin ang mga katunggali mula Saudi Arabia, Japan at Kazakhstan.
Kauna-unahang pagkakataon ngayong Asian Games na isinama bilang medal sport ang virtual taekwondo, kung saan gumagamit ang mga atleta ng VR headsets at motion-tracking sensors upang maglaban gamit ang kanilang avatars.
Ikalawang medalya na ito ni Yape sa torneo matapos din niyang makakuha ng bronze sa men’s individual poomsae, habang umakyat na sa apat ang gold medals ng Pilipinas kabilang ang dalawang ginto ni Carlos Yulo at isa kay EJ Obiena.










