
Sisimulan ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ang kaniyang kampanya sa Ningbo Open sa China kontra sa French player na si Diane Parry, na kasalukuyang nasa ika-32 puwesto sa world rankings, bukas, Lunes, Oktubre 19.
Batay sa naunang impormasyon, nakatakda ang laban sa alas-11 ng umaga, oras sa Pilipinas, bagama’t kailangang kumpirmahin ang opisyal na iskedyul ng laban.
Hangad ni Eala na makabawi matapos ang maagang pagkatalo kay Han Shi sa Wuhan Open at ang paglabas sa Round of 16 ng Singapore Open kontra kay Tatiana Prozorova.
Samantala, may isang WTA singles title na si Parry matapos magkampeon sa Monterrey Open sa Mexico noong Agosto. Umabot din siya sa Round of 16 ng French Open ngayong taon.
Ang mananalo sa laban nina Eala at Parry ay uusad sa susunod na round at haharap sa pagitan nina Diana Shnaider at isang qualifier.









