
Sasailalim sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang limang mahistrado ng Korte Suprema na kandidato sa posisyon ng susunod na punong mahistrado, kapalit ni Chief Justice Alexander Gesmundo na magreretiro sa Nobyembre 6, 2026.
Kabilang sa mga kakapanayamin si Senior Associate Justice Marvic Mario Victor Leonen sa umaga ng Oktubre 22, habang si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa naman ay sa hapon.
Sa Oktubre 26, nakatakdang kapanayamin sina Associate Justices Rodil Vaquilar Zalameda, Japar Babay Dimaampao at Jose Midas Pascual Marquez, mula ala-1 ng hapon hanggang alas-4:30.
Pinapayagan din ng JBC ang publiko na magsumite ng sinumpaang reklamo, ulat o pagtutol laban sa alinman sa mga kandidato.
Ang huling araw ng pagsusumite ng mga dokumento ay sa Oktubre 27, 2026, bago mag-alas-4:30 ng hapon.










