
Pinuri ng People’s Budget Coalition (PBC) si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa pangakong palalakasin ang transparency sa proseso ng pagbuo at pagsusuri sa pambansang budget.
Kasunod ito ng pagpupulong ng PBC at ni Dy upang talakayin ang pagbubukas sa publiko ng mga dokumento at deliberasyon kaugnay ng mga proyekto ng pamahalaan.
Ayon sa PBC, mahalagang mailabas ang mga supporting documents, technical specifications, lokasyon ng proyekto at mga pag-aaral upang masuri ng publiko kung saan napupunta ang buwis ng mamamayan.
Inaasahang makatutulong ang hakbang sa mas mahigpit na pagsusuri sa panukalang ₱6.793-trilyong pambansang budget para sa 2027 at sa pagtukoy kung makatwiran at may sapat na batayan ang mga inilalagay na pondo.









