
Sugatan ang dalawang katao matapos maglunsad ng missile attack ang puwersa ng Russia sa Kyiv, kabisera ng Ukraine, nitong Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay Kyiv Mayor Vitali Klitschko, tinamaan ng mga debris ang isang limang-palapag na apartment building sa kanlurang bahagi ng lungsod, habang napinsala rin ang harapan ng isa pang residential building.
Nasira rin ang isang gusaling ginagamit ng kindergarten, habang patuloy na binabalaan ng mga opisyal ang mga residente sa posibilidad ng panibagong pag-atake.
Nauna nang nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na naghahanda ang Russia ng panibagong pag-atake sa mga pasilidad ng enerhiya, tulay at iba pang mahahalagang imprastraktura.
Naganap ang pag-atake tatlong araw bago ang nakatakdang pagpupulong sa Abu Dhabi ng mga kinatawan ng Ukraine at Russia, kasama ang Estados Unidos, upang muling talakayin ang posibleng pagwawakas sa mahigit apat na taong digmaan.










