
Lumobo ng 24.8 porsiyento ang agricultural trade deficit ng Pilipinas noong Setyembre 2026, na umabot sa 1.25 billion US dollars, pinakamataas mula Marso ngayong taon.
Bumaba ng 21.2 porsiyento ang kita mula sa agricultural exports sa 642.11 million dollars, habang tumaas naman ng 4.2 porsiyento ang halaga ng imports sa 1.89 billion dollars.
Pinakamalaking iniluluwas ng bansa ang mga prutas, mani at citrus products na nagkakahalaga ng 229.55 million dollars.
Samantala, nanguna ang cereals sa mga inaangkat na produktong agrikultural na umabot sa 483.84 million dollars.










