Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may natukoy na ‘moving structure’ sa loob ng lagoon ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang istruktura ay tinatayang 6×6 metro, may tila antenna, at nakitang may sakay na anim na indibidwal sa ibabaw nito base sa pinakahuling aerial surveillance ng Philippine Air Force.

Sinabi ni Brawner na posibleng kahalintulad ito ng dating nakitang mga istruktura sa lugar na maaaring magdulot ng pagbabago sa status ng shoal, kaya nananatiling mahigpit ang pagbabantay ng Pilipinas.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng diplomatic actions ang Department of Foreign Affairs at nakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

-- ADVERTISEMENT --