
Nagdeklara ng red alert status ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lahat ng yunit nito sa National Capital Region kasabay ng nagpapatuloy na rally ng Iglesia Ni Cristo sa EDSA-White Plains.
Ayon sa AFP, layunin ng hakbang na tiyakin ang mas mataas na antas ng kahandaan ng mga tropa upang makasuporta sa mga awtoridad kung kinakailangan, alinsunod sa Konstitusyon at umiiral na mga batas.
Nakikipag-ugnayan din ang AFP sa Philippine National Police at iba pang ahensiya upang mapanatili ang kaayusan, seguridad, at tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa publiko.
Kasabay ng kilos-protesta, nagpahayag ng suporta ang Iglesia Ni Cristo kay Senator Rodante Marcoleta, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang campaign contributions na nagkakahalaga ng P75 milyon.









