Posibleng nakalabas na umano ng bansa si suspended Bamban Mayor Alice Guo gamit ang kanyang Chinese passport.

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na batay sa nakuha nilang impormasyon sa Bureau of Immigration ay nandito pa sa bansa si Guo matapos na tinignan kung nakaalis ng bansa si Guo Huang Ping, subalit wala pa umanong nakita ang BI.

Subalit, sinabi ni Gatchalian na makikita kung dadaan si Guo sa paliparan at sa seaport, subalit naniniwala siya na mayroon pang ibang paraan para siya ay makatakas ng bansa.

Matatandaan na kinumpirma ng National Bureau of Investigation na iisang tao ang Guo at Chinese passpeort holder na si Guo Huang Ping.

Sinabi ni Gatchalian nitong nakalipas na buwan na ginagamit ni Guo ang kanyang Chinese at Philippine passports mula 2008 hanggang 2011.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit ngayon, naniniwala ang Senador na ginagamit pa rin ni Alice Guo ang kanyang Chinese passport at posibleng ito ang kanyang ginamit para makalabas ng bansa.