Napabilang si American singer-actress Selena Gomez sa celebrity billionaire list sa edad na 32, kung saan isa siya sa world’s youngest self-made tycoons.

Ayon sa report ng isang financial data at media company, mayroon nang tinatayang net worth na $1.3 billion (P73.1 billion).

Ipinunto ng publication na ang kayamanan ni Gomez ay mula sa tagumpay ng kanyang cosmetics business, na kanyang sinimulan noong 2019.

Bukod sa kanyang negosyo, nakadagdag din sa kanyang yaman ang kanyang pagiging actress at singer at maging sa kanyang real estate portfolio at brand endorsements.

Bida si Gomez sa mystery-comedy drama na “Only Murders in the Building,” kung saan kumikita siya ng $6 million (P337 million) bawat season.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanyang 424 million followers, si Gomez ay kasalukuyang No. 1 female at pangatlo sa mga most followed celebrity sa Instagram, sunod kina football stars Cristiano Ronaldo at Lionel Messi, na nakakadagdag sa kanyang bayad na social media presence.

Kasama na ni Gomez sa billionaire elite club ang mga kapwa niya musicians na sina Taylor Swift, Rihanna, Jay-Z at Bruce Springsteen, at iba pa.