Patay ang anim na katao kabilang ang tatlong bata matapos na bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa Hudson River.
Sinabi ni New York City Mayor Eric Adams, kabilang sa mga pasahero ang piloto at isang pamilya na galing ng Spain.
Apat na mga biktima ang idineklara na patay na nang ma-recover ng rescuers, habang ang dalawang iba pa ay dinala sa ospital, kung saan sila binawian ng buhay.
Lumubog sa tubig ang helicopter ng tour company na New York Helicopter Charter.
Umalis ang helicopter sa downtown Manhattan heliport at nang makarating sa New Jersey shoreline, nawalan ito ng kontrol.
Batay sa report, tumigil ang helicopter sa himpapawid at may mga nahuhulog na ilang bahagi nito bago bumagsak sa ilog.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng nasabing insidente.