Patay ang apat na katao habang isa ang nagtamo ng matinding injury matapos na bumagsak sa lupa ang cable car malapit sa Naples sa southern Italy.

Ayon sa mountain rescue services at firefighters, nangyari ang aksidente sa Monte Faito, sa taas na 45 kilometers sa southeast Naples.

Sinabi ni Umberto De Gregorio, chairman ng EAV public transport company na nagpapatakbo sa cable car service na nagulat sila ng bumagsak ang cable car sa lupa.

Sinasabi sa Italian media reports na naputol ang cables na sumusuporta sa cabin kaya ito bumagsak.

Tinulungan naman ang 16 na pasahero para makalabas ng cabin na tumigil sa ere sa paanan ng bundok.

-- ADVERTISEMENT --

Inilikas ang mga ito ng isa-isa gamit ang mga harness.

Noong 2014, 14 na katao ang namatay sa Italy nang bumagsak sa lupa ang cable car.