Tuguegarao City- Muling nadagdagan ng apat ang bilang ng kaso ng COVID-19 ang naitala sa region 2.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, mula July 9 ay pumalo na sa 152 kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa rehiyon.

Kabilang sa mga nadagdag ay si CV149 na isang 47 anyos na babae mula Allacapan, galing ng Manila at CV150 na isang 12 anyos na lalaki na taga Ilagan City, galing southern Leyte,

Nagpositibo rin sa virus si CV151 na isang 23 anyos na babaeng OFW sa Saudi Arabia, mula Echague at si CV152 na isang 47 anyos na lalaking galing ng Caloocan City at mula sa bayan ng Iguig.

Sa ngayon ay nasa iba’t ibang mga isolation facilitues na ang mga pasyente na nasa maayos namang kondisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy naman ang ginagawang contact tracing upang matukoy ang posibleng nakasalamuha ng mga pasyente.