TUGUEGARAO CITY- Magsasanib-pwersa ang apat na rehiyon sa Luzon sa pagpapatupad ng checkpoint laban sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Department of Agriculture Region 2 executive director Narciso Edillo, na ito ang napag-usapan sa pulong kasama ang mga opisyal ng ahensya mula Regions 1, 2, 3 at Cordillera.

Isa umano sa nakikitang paraan kontra ASF ang pagkakaisa ng mga checkpoints sa mga major boarders sa Luzon upang matugunan ang kakulangan ng manpower, laboratory services, test kits at technical expertise.

Bagama’t walang masamang epekto sa kalusugan ng tao ang ASF, sinabi ni Edillio na kailangan pa rin itong bantayan dahil sa magiging epekto nito sa hog industry.

-- ADVERTISEMENT --