Nahulian ng illegal na droga ang isang babae nang dalawin ang kanyang live in partner sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay Pol. Lt. Isabelita Gano ng PNP-Tuguegarao, nakuha sa bag ng suspek na is Erica Joy Malillin, 21-anyos, residente ng Brgy. Ugac Norte ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa plastic nang kapkapan siya ni JO1 Sandy Cabauatan.

Mariin namang itinanggi ng suspek na sakanya ang naturang illegal na gamot.

Nabatid na dadalawin sana ng suspek ang live-in partner na nakakulong dahil rin sa illegal na droga.

Sa ngayon, hawak na ng kapulisan ang suspek habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon para malaman ang pinagkukuhanan ng illegal na gamot ng suspek.

-- ADVERTISEMENT --