Kinilala bilang pinakamahusay ang pagho-host ng lalawigan ng Cagayan sa prestihiyosong cycling event na MPTC Tour of Luzon 2026.

Sa fellowship event na ginanap sa Provincial Capitol, binigyang-diin ni Governor Edgar Aglipay na ang tagumpay ay hindi lamang tungkol sa karera kundi sa kwento ng pagkakaisa at pag-unlad ng komunidad.

Ipinakilala rin niya ang “Egay Governance Platform” na nakatuon sa Employment, Environment, Energy, Good Governance, Agricultural Support, Youth Development, at Elderly Care.

Ayon kay MPTC Tour Director Mark Richmond de Leon, namumukod-tangi ang Cagayan at Tuguegarao dahil sa mainit na pagtanggap at maayos na koordinasyon, dahilan upang gawing taunang venue ang probinsya.

Binigyang-diin na ang sports tourism ay malaking tulong sa pagpapasigla ng ekonomiya at pagpapakita ng yaman ng kultura at katatagan ng mga Cagayano.

-- ADVERTISEMENT --