TUGUEGARAO CITY-Dead-on-the-spot ang isang babae matapos tamaan ng kidlat habang nagtatanim ng mais sa bayan ng Baggao, Cagayan, kaninang hapon, Mayo 19, 2020.
Kinilala ni Kapitan Honorato Javier ng Brgy, Tallang, Baggao, ang biktima na si Ronalyn Corpuz, residente ng zone 6 sa kaparehong barangay.
Ayon kay Javier na nakaranas ng malakas na ulan at magkakasunod na kidlat ang kanilang lugar bago nangyari ang insidente.
Sa ngayon, sinabi ng kapitan na kasakulukuyan pang nangangalap ng karagdagang impormasyon ang kanilang tanggapan dahil may kalayuan umano ang pinangyarihan ng insidente.
-- ADVERTISEMENT --