Nahihirapan ang isang babae sa China na makahanap ng angkop na boyfriend dahil sa kanyang height na 7’4 lang naman.
Ilang buwan ang nakalilipas, ipinakilala ni Xiao Mai sa mundo sa pamamagitan ng isang short clip na pumatok naman sa social media, at ito ay dahil sa kanyang tangkad.
Ideya ng kanyang ina ang pagpost niya ng video sa social media.
Napanood kasi ng ina ni Xiao ang isang video ng babae mula sa Shanghai na nag-propose sa kanyang kasintahan online at ito ang naging inspirasyon nya gamitin ng kanyang anak ang nasabing technique para makahanap siya ng boyfriend.
Bukod sa impresibong height, ipinakita rin sa video ang araw-araw na buhay ni Xiao at maging ang apela ng kanyang ina na magbigay ng suhestion ng angkop na kasintahan para sa kanyang anak.
Marami naman ang kapansin sa video, at kasunod nito ay may mga hindi nila kilala ang pumupunta sa kanilang bahay Heilongjiang para makilala si Xiao.
Sinabi ni Xiao na noong una ay naguguluhan siya sa pagdating ng mga hindi niya kakilala sa kanilang bahay, hanggang sa mapagtanto niya na masigasig ang mga ito na tumulong para makahanap siya ng mabuting lalaki sa kanyang buhay.
Ai Xiao at 25 years old.