TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng PNP ang motibo at mga suspek sa pamamaril-patay sa isang lalaki kanina sa Linao East,Tuguegarao City.

Kinilala ng PNP ang biktima na si Rodrigo Morales Jr.,40,ng Caritan Centro,Tuguegarao City na kalalaya lang nitong nakalipas na buwan matapos mahuli sa buy-bust operation dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Ayon sa PNP,backrider ang biktima sa isang motorsiklo na minaneho ni John Ancheta nang pagbabarilin si Morales ng riding-in tandem.

Sinabi ng PNP na papunta sana ang dalawa sa lugar kung saan na-impound ang motorsiklo ng biktima na kasama sa kinuha ng mga otoridad nang siya ay mahuli.