Agad na tinanggal ng Department of Tourism ang inilagay nilang poster sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 4 na mar larawan ng Banaue Rice Terraces.

Ito ay matapos na mag-viral ang ibinahaging larawan ni Stephen Acabado, isang archeologist at professor sa kanyang social media account na makikita na ang nakalagay na kinaroroonan ng rice terraces ay sa Benguet sa halip na sa Banaue, Ifugao.

Ang naturang poster ay bahagi ng “Love the Philippines” campaign ng DOT.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas ang DOT na pahayag ukol dito.