Nahanap na ang bangkay ng estudyanteng naiulat na nawawala noong sabado matapos malunod sa Cagayan river sa bayan ng Iguig.

Ayon kay Susan Darauay head ng MDRRMO Iguig natagpuan ang bangkay ng estudyante sa Dammang Amulung kung saan ito ay nakitang palutang lutang sa ilog.

Agad naman na nagreport sa otoridad ang mga nakakita at itinawag sa MDRRMO Iguig at pamilya ng biktima upang kumpirmahin kung siya nga ang nawawalang estudyante sa nasabing bayan.

Dito na kinumpirma ng magulang ng biktima na siya nga ang kanyang anak na nalunod noong sabado.

Maalala na nagkayayaan ang biktima na si Julian Clyde Calonia, 20-anyos, binata at residente ng Brgy San Isidro kasama ang kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kaawaran ng isa sa kanila at nagpicnic sa gilid ng ilog.

-- ADVERTISEMENT --

Pagkatapos aniya ay naisipan nilang makipag-karera sa paglangoy hanggang sa nakarating umano ang mga ito sa malalim na bahagi ng ilog.

Matagumpay namang nakabalik sa pampang ang tatlong babae subalit bigong makaahon ang lalaking biktima bandang alas 2:00 ng hapon.