CTTO: PSSGT DEXTER PERALTA

TUGUEGARAO CITY -.Nakilala na ng mga otoridad ang narekober na palutang lutang na bangkay ng isang lalaki sa Cagayan river na sakop ng bayan ng Iguig.

Ayon kay Police Staff Sergeant Dexter Peralta ng PNP Iguig, kinilala mismo ito ng kapatid ng biktima na si Marvino Mabborang, 37 anyos, at residente ng Barangay Basi, Solana.

Sa salaysay ng kapatid ng biktima sa pulisya, Biyernes Santo nang magpaalam ang biktima na pupunta sa ilog subalit hindi na nakabalik pa.

Umaga ngayong Sabado de Gloria nang matagpuan ng PNP Iguig ang naanod na bangkay ng biktima na palutang lutang sa ilog sa bahagi ng Bayo, Iguig.

Sa kabila nito, payapa pa rin sa kabuuan ang paggunita ng Semana Santa sa bayan ng Iguig.

-- ADVERTISEMENT --