May karapatan ang publiko na malaman ang katotohanan, lalo na kung sangkot dito ang mga public officials na nahaharap sa mga alegasyon ng hindi tamang paggamit o paglustay sa confidential at intelligence funds.

Dahil dito, sinabi ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na may kapangyarihan ang impeachment court na binubuo ng Senator-judges na i-subpoena ang bank records-documents na posibleng susi para patunayan o pabulaanan ang mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte.

Nahaharap si Duterte sa impeachment trial sa mga alegasyon ng “high crimes,” kabilang ang korupsion at pagkakasangkot umano niya sa assassination plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sentro ng reklamo laban sa kanya ang paggasta sa P125 million na confidential at intelligence funds sa loob lamang ng 11 araw matapos na umupo sa puwesto noong 2022, na ayon sa mga mambabatas ay paglabag sa fiscal protocols at accountability standards.