Bumaba sa 1,532 ang naitalang kaso ng COVID-19 mula noong January 4, 2026 hanggang July 11, 2026.

Mas mababa kumpara sa 5,070 cases sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Sa kabila ng pagbaba ng naturang bilang, tuloy pa rin ang Department of Health (DOH), katuwang ang lokal na pamahalaan sa pagbabantay ng kalagayan ng bawat rehiyon upang labanan ang sakit.

Hinikayat din ng DOH ang lahat na ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pagtatakip ng bibig kung sakaling uubo.

Inabisuhan din ng ahensya ang publiko na kung sakaling makaramdam ng sintomas ay agad na magpatingin sa malapit na health center.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ng ahensya, ang COVID-19 ay maaaring walang ipakitang sintomas kahit malubha na ang karamdaman.

Bagamat, noong May 2023 ay unang idineklara ng World Health Organization (WHO) na hindi na maituturing na lubhang nakakahawa sakit, hindi pa rin ito maaring alisin bilang isang banta sa kalusugan.