
Posibleng mabawasan ang bilang ng mga debotong bibisita sa mga simbahan ngayong nalalapit na Semana Santa.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maaaring maapektuhan ang tradisyong Visita Iglesia ng ilang mananampalataya dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Sinabi ni CBCP Espiscopal Commission of Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, na nauunawaan ng Simbahan kung pipiliin ng ilan na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan upang makatipid, lalo na sa gitna ng kasalukuyang krisis sa langis.
Sakali aniya na hindi makakapunta sa simbahan, lalo na ang mga matatanda o may karamdaman, maaaring dumalo sa mga misa sa mga online platforms.
Mayroon din aniya na tinatawag na “virtual visit to the church,” kung saan maaaring magdasal at magnilay gamit ang iba’t ibang online sites.










