TUGUEGARAO CITY-Umabot sa 70 katao ang bagong nakarekober sa Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos kung kaya’t umakyat na sa 2,505 ang gumaling mula sa virus.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department of Health (DOH)-R02, mula sa bagong bilang ng mga nakarekober , 42 dito ay mula sa Isabela, 20 sa Cagayan, lima sa Nueva Vizcaya at tatlo sa Santiago City.
Nakapagtala naman ng 15 bagong kaso ng covid-19 sa rehiyon kung saan 10 dito ay mula sa Isabela, apat sa Santiago City at isa sa Quirino.
Sa bilang na 323 na aktibong kaso ng virus, 60.4 percent ay asymptomatic, 36.8 percent ang mild at 2.8 percent ang severe.
Nasa 43 naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19 sa rehiyon.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang ahensya ng 2,871 na kumpirmadong kaso ng covid-19, pinakamarami na may naitala ang probinsya ng Isabela na may 1,395 sunod ang Cagayan na may 709, Nueva Vizcaya 616, Santiago 142, pito sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Samantala, ngayong araw, Nobyembre 3,2020 ay walang naitalang bagong kaso ng virus sa Cagayan, Nueva Vizcaya at Batanes.