Umakyat na sa 51 ang naitalang nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 matapos na makarekober ang technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) ng anim pang bangkay.

Dinala ang mga labi sa Zamaboanga City Port para sa kanilang pagkakakilanlan sa pakikipagtulungan ng local disaster officials.

Sinabi ni PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab na unang nakuha ang limang bangkay sa first-deck economy accomodation area ng lumubog na barko, at sumunod na nakuha ang isa pang bangkay sa nasabi ring lugar.

Agad na dinala ang mga bangkay sa Zamboanga City Port para sa kanilang pagkakakilanlan sa tulong ng disaster local officials.

Kahapon, nananatili sa 316 ang survivors habang inaalam pa ang bilang ng mga nawawala.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na lumubog ang MV Trisha Kirstin 3 ng madaling araw noong Enero 26 sa 2.75 nautical miles northeast ng Baluk-Baluk Island sa Basilan.

Sa kasalukuyan, may 19 technical divers ang PCG sa lugar na nagsasagawa ng isa o dalawang pagsisid sa isang araw, depende sa lakas ng agos ng tubig, para sa paghahanap ng survivors.