TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ang Department of Health (DOH)-Region II ng dalawang panibagong nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVId-19) ang Rehiyon dos, kahapon, Pebrero, 02,2021.

Dahil dito, umabot na sa 128 ang bilang ng mga namatay matapos mahawaan ng virus.

Nasa 54 naman ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng sakit kung kaya’t umakyat na sa 939 ang aktibong kaso.

May pinakamaraming bilang sa mga aktibong kaso ay galing sa probinsya ng Isabela na may 433, Cagayan na 409, Santiago City na 80, Nueva Vizcaya na 11 at anim sa Quirino.

Umabot na rin sa 6,366 ang bilang ng mga gumaling matapos makapagtala ng 65 na bagong nakarekober.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, umakyat na sa 7,439 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon.