Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang unemployment rate sa 5.0% nitong March 2026, mababa ng bahagya sa 5.1% unemployment rate noong February 2026.

Katumbas ito ng 2.58 million unemployed Filipinos noong Marso, mas mababa sa 2.66 million noong Pebrero.

Pangunahing sektor na may pagtaas sa bilang ng employed persons ay sa service sector.

Samantala, tumaas naman ang underemployment, ‘o ‘yung bilang ng mga Pilipinong may trabaho, pero naghahanap pa ng dagdag na oras ng trabaho, ‘o ibang pagkakakitaan.

-- ADVERTISEMENT --

Mula sa 11.8% na underemployment noong Pebrero, tumaas ito sa 12.3% nitong Marso.

Ang underemployment ngayong Marso ay katumbas ng 6.03 million Filipinos.