TUGUEGARAO CITY-Nadagdagan ng isa ang bilang ng binawian ng buhay dahil sa covid-19 dito sa Lambak Cagayan.

Ito ay matapos na maitala ang ika-anim na death case ng pandemya sa probinisya ng Nueva Vizcaya.

Sa kumpirmasyon ni Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer ng Nueva Vizcaya, namatay si CV 854, isang 50-anyos na lalake mula sa Purok 2, Lactawan, Solano habang nilalapatan ng lunas sa Region 2 Trauma and Medical Center o R2TMC.

Mayroon umanong comorbidity ang pasyente dahil sa kaniyang pneumonia.

Dahil dito, umakyat na sa sampu ang namatay sa rehiyon dos kung saan tig-dalawa sa Isabela at Cagayan habang anim sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sa kabuuang 906 na kumpirmadong kaso, 305 dito ay active cases habang 591 ang mga recoveries o gumaling na.

Batay pa sa datos, nasa 2,478 ang suspected covid 19 cases habang dalawa naman ang probable case. with reports from BOMBO MARVIN CANGCANG