photo credit: PNP-solana

TUGUEGARAO CITY-Kulong ang isang barangay kagawad nang makumpiskahan ng 11 hinihinalang illegal na droga sa bayan ng Solana, Cagayan.

Una rito, sinabi ni Pcapt Jun Jun Balisi, hepe ng PNP-Solana, hinalughog ang bahay ng suspek na si Randy Casagan, 35-anyos, barangay kagawad sa Barangay Andarayan sa bisa ng search warrant na inilabas ng korte.

Nahuha sa bahay ng suspek ang 11 na hinihinalang illegal na shabu at ilang drug paraphernalia.

Nabatid na dati na umanong nakulong ang suspek dahil sa illegal na droga ngunit nakapagpiyansa.

Samantala, kulong din ang isang tricycle driver na si Ronald Lingan nang mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Dassun sa nasabi ring bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha sa kanya ang isang sachet na pinaniniwalaang shabu.

Kapwa nahaharap ang dalawa sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous drugs act of 2002.

Sa kaparehong araw, hinuli rin ang isang driver na si Ariel Canapi ng Barangay Andarayan South nang manutok ng baril sa kanyang pinsan.

Nakuha sa suspek ang calibre 38 revolver at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10951 o illegal possession of fire arms