TUGUEGARAO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang bumbero at isang contact tracer matapos makumpiskahan ng illegal na droga sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Fire Officer 1 Bryan Marallag, 33-anyos, naka-assign sa Iguig fire station at Marco Taguinod, 28-anyos, contact tracer ng DILG-Cagayan na kapwa residente ng Brgy. Centro sa nasabing bayan.

Nahuli ang mga suspek sa isinagawang Anti-illegal drug buy bust operation ng kapulisan kung saan nagpanggap na buyer ang isang pulis.

Nakuha sa mga suspek ang pitong sachet na hinihinalang shabu, cellphone at ilang drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP-Peñablanca ang mga suspek maging ang mga nakuhang gamit para sa kaukulang disposisyon.

-- ADVERTISEMENT --