Tinanggal na ng Senate panel on women ang contempt order laban kay Sheila Guo, na kilala rin na Chinese national Zhang Mier.

Sa 14th at huling pagdinig ng Senado kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo kaugnay sa koneksion nito sa Philippine offshore gaming operators, tinanggal na ni Sen. Risa Hontiveros ang contempt order.

Kasabay nito, inatasan ni Hontiveros ang Office of the Sergeant at Arms na ilipat ang kustodiya sa Bureau of Immigration bilang pagsunod sa mission order mula sa nasabing ahensiya.

Unang ipinagpalagay na si Shiela ay kapatid ni Alice Guo.

Katulad ni Alice, naglabas ang Senado ng arrest order laban kay Shiela dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig ng committee on women noong July 10.

-- ADVERTISEMENT --

Isinailalim siya sa kustodiya ng Senado matapos ang kanyang pagkakaaresto sa Indonesia at repatriation sa bansa nitong nakalipas na buwan.

Pinaniniwalaan na si Shiela ay co-incorporator sa nasa pitong negosyo ni Alice Guo.