TUGUEGARAO CITY- Muli na namag dumarami ang naka-admit ngayon sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC na covid-19 patients.

Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief, sa ngayon ay 97 na ang confirmed cases sa ospital at posibleng madagdagan pa ang nasabing bilang dahil sa may 41 pa na naghihintay ng resulat ng kanilang RT-PCR test o mga suspect cases.

Sa bilang ng confirmed cases, pinakamarami sa Cagayan na 84 at 55 ang mula sa Tuguegarao City, lima sa Peñablanca, tig- tatlo sa Iguig at Solana, tig- dalawa sa Alcala, Baggao, Enrile at Gattaran at tig-isa naman sa Aparri, Calayan, camalaniugan, Piat, Rizal, Sanchez Mira at Tuao.

Pito naman ang confirmed cases sa Isabela at lima sa Kalinga at Apayao.

Idinagdag pa ni Dr. Baggao na kabilang sa confirmed cases ang ilang medical staff ng CVMC na 49.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi niya na apektado ngayon ang kanilang operasyon kung saan ay 50 percent lamang ang kanilang pinapapasok muna.

Gayonman, tiniyak ni Dr. Baggao na sapat pa rin ang mga tauhan na mangangasiwa sa mga pasyente lalo na ang mga may covid-19

Subalit, sinabi niya na kunga kinakailangan ay muli silang magha-hire ng karagdagang nurses.

Kasabay nito, sinabi ni Dr. Baggao na muli din nilang dinagdagan ang kanilang isolatiom beds at maging ng mga tents sa labas ng Nightigale ward dahil punuan na dito ng mga covid-19 patients.

Ang mga ilalagay sa mga tents ay ang mga isinailalim sa swab test na naghihintay ng kanilang mga resulta.

Sinabi pa ni Dr.Baggao na ibabalik din nila ang kanilang step down facility para sa mga recovering patients para ang mga mababakanteng isolation beds ay para sa naman sa mga naghihintay na kailangan na ma-admit.

Sa ngayon ang utilization rate sa ospital ay 70 para sa ICU habang 55 naman sa suspected habang ang kanilang occupancy rate ay 30 percent.