
Nagbabala ang Commission on Population and Development sa pagtaas ng mga pagbubuntis sa batang babae na wala pang 15 taong gulang.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, mula sa 138,697 live births ng kababaihang edad 10–19 noong 2024, 3,612 ay sa mas batang grupo, tumaas mula 3,343 noong 2023.
Ayon kay CPD Undersecretary Lisa Bersales, tumataas ang kaso sa mas batang edad dahil sa kahirapan, limitadong oportunidad sa edukasyon, at maagang exposure sa sekswal na nilalaman sa social media.
Hinimok niya ang mas localized na interventions kasama ang pakikipagtulungan sa Local Governemnt Units at barangay, pag-target sa kabataan sa paraang naiintindihan nila, at pagtutok hindi lamang sa sex education kundi sa paghubog ng kanilang pangarap at layunin sa buhay.
Binanggit din niya ang mahalagang papel ng paaralan at guro at ang pangangailangan ng magkakaugnay na programa sa buong bansa.










