Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Inaasahan na magkakaroon ng bawas presyo na P.45 per liter sa gasolina, habang dagdag presyo naman na P.05 per liter sa diesel at P.10 per liter sa Kerosene.

Sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) assistant director Rodela Romero, noong Pebrero 16 hanggang 19, ang presyo ng langis ay bunsod ng geopolitical tensions, supply expectations, paggalaw ng inventory at market sentiment.

Subalit ang inaasahang price adjustment sa susunod na linggo ay dahil sa mas tumitinding geopolitical risks sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, at, Russia at Ukraine.

Sinabi ni Romero na ang lumikha ng walang katiyakan ang US-Iran nuclear negotiations, matapos na magbabala si US President Donald Trump ng military action kung walang mabubuo na kasunduan sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Nakadagdag din dito ang pagkagambala ng potential supply matapos ang drone strike sa Russian Black Sea Port.