Hinuli ang dalawang lalaki na akto umanong sangkot sa vote-buying sa Barangay Tamboli, Allacapan, Cagayan kahapon ng umaga.
Ayon sa pulisya, hinuli ang dalawa sa pamamagitan ng citizen’s arrest habang isinasagawa ang umano’y pamimili ng boto.
Kaagad silang ipinasakamay ni alyas Jong, residente sa nasabing lugar sa mga tauhan ng Allacapan Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Election Officer na si Maria Rosario Catral.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang body bag, P100,000, listahan ng mga pangalan mula sa Brgy. Pacac at Tamboli, sample ballot na may nakadikit na campaign pamphlet, isa pang pamphlet ng ibang kandidato, dalawang cellhone at dalawang ballpen.
Dinala ang mga ebidensiya at mga suspek sa himpilan ng pulisya para sa documentation at disposition.