Patay ang dalawang Israeli Embassy staff matapos silang barilin sa labas ng Jewish museum sa Washington DC.

Ayon sa mga awtoridad, binaril patay ang isang babae at lalaki nang paalis na sila mula sa isang event sa Capital Jewish Museum na pinaniniwalaan na isang targeted attack.

Sinabi ng pulisya na ikinulong na nila ang suspek na kinilalang si Elias rodriguez, 30-anyos, mula sa Chicago.

Ayon naman sa Israeli Embassy, malapitan na binaril ang dalawang staff.

Sinabi ng mga awtoridad na bago ang pamamaril, nakita ang suspek na pabalik-balik na naglalakad sa labas ng museum.

-- ADVERTISEMENT --

Hanggang sa lumapit siya sa isang grupo na binubuo ng apat na katao, naglabas ng baril at pinapatukan ang mga biktima.

Pagkatapos ng pamamaril ay pumasok ang suspek sa museum at ikinulong siya ng event security.

Isinigaw ng suspek ang “free free Palestine” habang nasa kustodiya ng mga awtoridad.