Nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit operation ng hanay ng kasundaluhan matapos ang nangyaring sagupaan sa pagitan ng 98th Infantry Battalion at New Peoples Army na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang sundalo sa tri-boundary ng Kalinga-Apayao at Abra.

Sa panayam kay CAPT Rigor Pamittan, tagapagsalita ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, Philippine Army, kasalukuyang nagsasagawa ng focused military operation ang grupo ng kasundaluhan ng biglang nagkaroon ng engkwentro.

Sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Pamittan ay tumagal sa 20 minuto ang sagupaan.

Sa ngayon aniya ay hindi pa pinangalanan ng kasundaluhan ang mga nasawi dahil patuloy pa rin ang koordinasyon sa kanilang pamilya upang maipagbigay alam ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung saang grupo kabilang ang kanilang mga nakasagupa at kung ilan ang bilang ng mga ito na mabilis tumakas matapos ang sagupaan.