
Pumalo na sa 40 ang bilang ng nasawi sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 matapos ma-recover ang tatlong karagdagang bangkay sa tubig sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard.
Natagpuan ang mga biktima sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Hadji Muhtamad.
Ang Roll On-Roll Off (Ro-Ro) passenger ferry ay naglayag mula Port of Zamboanga City noong Enero 25, 2026, patungong Jolo, Sulu, at lumubog sa Basilan waters kinabukasan.
Sa unang bilang na 19, nadagdagan pa ang mga narekober na bangkay: 11 noong Huwebes, 4 noong Biyernes, at 3 noong Sabado.
Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA), iimbestigahan ang ulat ng mga nakaligtas tungkol sa kakulangan ng life vests, nawawalang pangalan sa passenger manifest, at ang ulat na ang nasabing ferry ay replacement vessel lamang.










