Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong naapektuhan ng magnitude 5.7 na lindol kanina sa Bangladesh.

Sa kabila nito, tiniyak ng DFA na naka-monitor ang Philippine Embassy sa Dhaka, sa epekto ng lindol.

Sentro ng magnitude 5.7 na lindol ang Ghorashal, Narsingdi District, Dhaka Division.

Ayon sa DFA, 200 hanggang 300 ang mga Pinoy sa Dhaka, at 785 sa buong Bangladesh.

Pinapayuhan naman ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Bangladesh na manatiling kalmado at alerto.

-- ADVERTISEMENT --