Asahang masusundan pa ang Diskwento Caravan cum Mobile Product Standards Showcase ng Department of Trade and Industry para sa nalalapit na pasukan ng mga mag-aaral.

Makakatuwang ng DTI sa proyektong ito ang ilang negosyante na naglalayong tumulong sa mga estudyante at magulang na makabili ng mga school suplies sa mas murang halaga kumpara sa mga mall.

Tampok rin sa aktibidad ang pagkatuto ng mga consumers sa pamamagitan ng pagpapakita ng aktwal at larawan ng mga produkto na pasok sa pamantayan ng DTI sa ilalim ng mandatory certification.

Matatandaan na isinagawa kahapon sa ikalawang pagkakataon ang naturang aktibidad sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan.

Bukod sa mga produktong discounted ang presyo ay nabigyan rin ng pagkakataon ang mga mamimili na manalo ng mga kapana-panabik na premyo mula sa mga kalahok na exhibitors.

-- ADVERTISEMENT --