
Sinita ni Senate President Sherwin Gatchalian ang 488 infrastructure deficiencies sa Health Facilities Enhancement Program ng Department of Health (DOH).
Kabilang dito ang 38 delayed projects na nagkakahalaga ng P11 bilyon, 136 idle o non-operational projects na P1.1 bilyon, at 227 proyektong hindi pa nasisimulan na P3.1 bilyon.
Inihayag naman ni Health Secretary Edwin Mercado na uunahin ng DOH ang pagkumpleto at pagpapatakbo ng mga pasilidad na natapos na ngunit hindi pa ginagamit.
Binatikos din ang mababang operational rate ng Super Health Centers, kung saan 244 lamang sa 820 ang natapos at gumagana.
Ayon kay Mercado, kabilang sa problema ang mga proyektong hindi bahagi ng orihinal na plano ng DOH at hindi kayang patakbuhin ng ilang LGU.
-- ADVERTISEMENT --










