
Walang inilalabas na komento o anumang impormasyon ang Department of Justice (DOJ) sa kabila ng nangyaring tensyon at naganap sa Senado.
Sa ngayon, ang pinakahuling pahayag ng DOJ ay tungkol sa pagkakaroon lamang ng dalawang paraan para harapin ang International Criminal Court (ICC) warrant of arrest ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Polo Martinez, ito ay ang pagsuko ng isang indibidwal sa international court o ang extradition na nakapaloob sa RA 9851.
Pilit namang tinatanong ng mga mamamahayag ang DOJ hinggil sa isyu nang nangyaring shooting incident sa Senado subalit walang tugon hinggil dito.
Base sa huling pahayag ng nasabing opisyal, ay sasagutin na lamang nila ang mga nakabinbing tanong sa tamang panahon.
-- ADVERTISEMENT --









