TUGUEGARAO CITY- Target ngayon ng Department of Trade and Industry na makalikom ng P10M sa mapagbebentahan ng mga produkto mula sa Cagayan Valley sa isasagawang “Padday na Lima” Trade Fair 2019 na magsisimula sa September 24-30, 2019 sa Festival Mall, Manila.

Ayon kay Leah Pulido Ocampo, regional director ng DTI-RO 2 na ang naturang trade fair ay taunang isinasagawa upang maipakita ng rehiyon ang mga natatangi at maipagmamalaking nitong produkto sa mga taga-Maynila.

Bukod dito, sinabi ni Ocampo na layon din nitong matulungan ang mga micro, small and medium enterprise (MSMEs) na maipakilala ang kanilang mga produkto.

ang tinig ni Ocampo

Inaasahang lalahukan ito ng mahigit 60 exhibitors mula sa mga MSMEs sa rehiyon upang itampok ang mga ipinagmamalaking produkto tulad ng mga processed foods, handicrafts, furnitures at marami pang iba.

-- ADVERTISEMENT --

Makikibahagi rin sa trade fair ang Department of Agriculture RO2 at muling ibibida ang mga sariwang gulay at prutas.

Umaasa si Ocampo na mahihigitan ang P9.2 milyon na halaga ng napagbentahan noong nakaraang taon.

Ang “Padday na Lima” ay salitang Ybanag na ang ibig sabihin ay “likha ng kamay”.

muli si Ocampo