Inihayag ni Vice President Sara Duterte na sinabi ng kanyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte na i-cremate ang kanyang mga labi kung mamamatay siya sa The Hague, Netherlands.

Sinabi ni VP Sara, na kasalukuyang nasa Netherlands para bisitahin ang kanyang ama, na sinabi na ng kanyang ama ang kanyang huling kahilingan, na siya ay ma-cremate sa nasabing bansa kung siya ay mamamatay at ang abo na lang niya ang iuuwi sa bansa

Ayon kay VP Sara, sinabi niya sa kanyang ama na pag-uusapan pa nila ito sa susunod dahil hindi daw siya pro-cremation.

Kasabay nito, sinabi ni VP Sara na natural lamang sa isang 80-year old na isipin ang nasabing bagay.

Sinabi niya na mabuti na rin na alam nilang lahat kung ano ang gusto niyang mangyari kung siya ay babawian ng buhay sa Netherlands.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ni VP Sara na malaki na ang ibinawas ng timbang ng kanyang ama buhat ng pagkakakulong niya sa The Hague, kung saan sinabi niya na buto’t balat na ito.

Matatandaan na inaresto si ang dating pangulo ng mga awtoridad noong March 11, base sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court, dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay sa war on drugs.