Tugeugrao City- Nagdaos ng feeding program at pamamahagi ng mga tsinelas ang hanay ng PNP Sta. Teresita sa Villa Lolita, Sitio Calagao Brgy. Simpatuyo.

Sinabi ni PCAT Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP Sta. Teresita na umabot sa 50 mga bata ang nabiyayaan sa naturang programa.

Ang mga napiling benepisyaryo ay mga pawang nasa hanay ng mahihirap na pamilyang nakatira sa ipinatayong core shelter na ipinatayo ng LGU Sta. Teresita.

Ayon kay Gabatin ay bahagi ito ng pagpapatupad ng “revitalized anti-criminality enhancement” kasama ng Police Community Relations Activities ng kanilang tanggapan.

Nakatakda pa umanong isagawa ang katulad na programa sa bahagi ng Brgy. Tungeg sa nasabing bayan.

-- ADVERTISEMENT --