Tinalo ng CAVRAA Football Elementary Boys ang koponan ng National Capital Region sa kanilang unang laro kanina sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Cebu City.

Sinabi ni Ferdinand Narciso, sports official ng Department of Education Region 2, nanalo ang football team ng rehion sa score na 2-1.

Ayon kay Narciso, sa kabila na mas malalaki at mas handa ang football players ng NCR, ipinakita naman ng football players sa elementarya ang kanilang liksi sa nasabing laro.