Patuloy na inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sumiklab na forest fire sa kabundukang bahagi ng Bondoc sa Mountain Province.

Ayon sa BFP-CAR, Bontoc Fire Station, patuloy ang kanilang operasyon upang makontrol ang apoy na nagsimula nitong Linggo ng umaga sa Barangay Samoki.

Kahapon pa lamang ay nag-umpisa nang apulahin ang sunog at hanggang ngayon ay hindi pa ito tuluyang naaapula.

Natatagalan anila silang apulahin ang sunog dahil naapektuhan ang ilang water sources at nasunog ang mga PVC pipes, na posibleng magdulot ng mas matagal na restoration ng water supply sa lugar.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi o pinagmulan ng sunog.

-- ADVERTISEMENT --